20Hindi! Ang ibig kong sabihin ay inialay nila ang mga handog na iyan sa mga demonyo at hindi sa Diyos. Ayaw kong makibahagi kayo sa mga demonyo.
21Hindi tayo maaaring makiinom sa kopa ng Panginoon at sa kopa ng masasamáng espiritu, at hindi rin tayo maaaring makisalo sa hapag ng Panginoon at sa hapag ng masasamang espiritu.
22Gusto ba nating magselos ang Panginoon? Mas makapangyarihan ba tayo kaysa sa kanya?
23May nagsabi, “Maaari nating gawin ang kahit ano,” ngunit hindi lahat ay nakakatulong. “Maaari nating gawin ang kahit ano,” ngunit hindi lahat ay nakakabuti.
24Huwag lamang ang sarili ninyong kapakanan ang inyong isipin kundi ang kapakanan din ng iba.