1 Mga Taga-Corinto 10

May nagsabi, “Maaari nating gawin ang kahit ano,” ngunit hindi lahat ay nakakatulong. “Maaari nating gawin ang kahit ano,” ngunit hindi lahat ay nakakabuti.

1 Corinthians 10:23 (UKJV) All things are lawful for me, but all things are not expedient: all things are lawful for me, but all things edify not.

21Hindi tayo maaaring makiinom sa kopa ng Panginoon at sa kopa ng masasamáng espiritu, at hindi rin tayo maaaring makisalo sa hapag ng Panginoon at sa hapag ng masasamang espiritu.

22Gusto ba nating magselos ang Panginoon? Mas makapangyarihan ba tayo kaysa sa kanya?

23May nagsabi, “Maaari nating gawin ang kahit ano,” ngunit hindi lahat ay nakakatulong. “Maaari nating gawin ang kahit ano,” ngunit hindi lahat ay nakakabuti.

24Huwag lamang ang sarili ninyong kapakanan ang inyong isipin kundi ang kapakanan din ng iba.

25Kainin ninyo ang anumang karneng nabibili sa pamilihan nang hindi na nagtatanong upang hindi kayo usigin ng inyong konsensiya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.