23May nagsabi, “Maaari nating gawin ang kahit ano,” ngunit hindi lahat ay nakakatulong. “Maaari nating gawin ang kahit ano,” ngunit hindi lahat ay nakakabuti.
24Huwag lamang ang sarili ninyong kapakanan ang inyong isipin kundi ang kapakanan din ng iba.
25Kainin ninyo ang anumang karneng nabibili sa pamilihan nang hindi na nagtatanong upang hindi kayo usigin ng inyong konsensiya.
26Sapagkat sinasabi ng Kasulatan, “Ang mundo at ang lahat ng naroroon ay pag-aari ng Panginoon.”
27Kung imbitahan kayo ng isang hindi mananampalataya sa isang salo-salo at gusto ninyong dumalo, kainin ninyo ang anumang ihain sa inyo nang hindi na nagtatanong upang hindi kayo usigin ng inyong konsensiya.