1 Mga Taga-Corinto 10

Kung imbitahan kayo ng isang hindi mananampalataya sa isang salo-salo at gusto ninyong dumalo, kainin ninyo ang anumang ihain sa inyo nang hindi na nagtatanong upang hindi kayo usigin ng inyong konsensiya.

1 Corinthians 10:27 (UKJV) If any of them that believe not bid you to a feast, and all of you be disposed to go; whatsoever is set before you, eat, asking no question for conscience sake.

25Kainin ninyo ang anumang karneng nabibili sa pamilihan nang hindi na nagtatanong upang hindi kayo usigin ng inyong konsensiya.

26Sapagkat sinasabi ng Kasulatan, “Ang mundo at ang lahat ng naroroon ay pag-aari ng Panginoon.”

27Kung imbitahan kayo ng isang hindi mananampalataya sa isang salo-salo at gusto ninyong dumalo, kainin ninyo ang anumang ihain sa inyo nang hindi na nagtatanong upang hindi kayo usigin ng inyong konsensiya.

28Ngunit kung sinabihan kayo na ang pagkain ay inihandog sa mga diyos-diyosan, huwag na kayong kumain, alang-alang sa nagsabi nito sa inyo, para walang mabalisang konsensiya.

29Ang konsensiya ng iba ang tinutukoy ko, hindi ang konsensiya ninyo. Maaaring sabihin ng iba sa inyo, “Bakit hinuhusgahan ng konsensiya ng iba ang kalayaan ko?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.