26Sapagkat sinasabi ng Kasulatan, “Ang mundo at ang lahat ng naroroon ay pag-aari ng Panginoon.”
27Kung imbitahan kayo ng isang hindi mananampalataya sa isang salo-salo at gusto ninyong dumalo, kainin ninyo ang anumang ihain sa inyo nang hindi na nagtatanong upang hindi kayo usigin ng inyong konsensiya.
28Ngunit kung sinabihan kayo na ang pagkain ay inihandog sa mga diyos-diyosan, huwag na kayong kumain, alang-alang sa nagsabi nito sa inyo, para walang mabalisang konsensiya.
29Ang konsensiya ng iba ang tinutukoy ko, hindi ang konsensiya ninyo. Maaaring sabihin ng iba sa inyo, “Bakit hinuhusgahan ng konsensiya ng iba ang kalayaan ko?
30Kung nagpasalamat naman ako sa Diyos sa pagkain ko, bakit ako tinutuligsa sa pagkain ko nito?”