1 Mga Taga-Corinto 10

Ang konsensiya ng iba ang tinutukoy ko, hindi ang konsensiya ninyo. Maaaring sabihin ng iba sa inyo, “Bakit hinuhusgahan ng konsensiya ng iba ang kalayaan ko?

1 Corinthians 10:29 (UKJV) Conscience, I say, not yours own, but of the other: for why is my liberty judged of another man's conscience?

27Kung imbitahan kayo ng isang hindi mananampalataya sa isang salo-salo at gusto ninyong dumalo, kainin ninyo ang anumang ihain sa inyo nang hindi na nagtatanong upang hindi kayo usigin ng inyong konsensiya.

28Ngunit kung sinabihan kayo na ang pagkain ay inihandog sa mga diyos-diyosan, huwag na kayong kumain, alang-alang sa nagsabi nito sa inyo, para walang mabalisang konsensiya.

29Ang konsensiya ng iba ang tinutukoy ko, hindi ang konsensiya ninyo. Maaaring sabihin ng iba sa inyo, “Bakit hinuhusgahan ng konsensiya ng iba ang kalayaan ko?

30Kung nagpasalamat naman ako sa Diyos sa pagkain ko, bakit ako tinutuligsa sa pagkain ko nito?”

31Kaya kung kumain man kayo o uminom, o anuman ang gawin ninyo, gawin ninyo ang lahat ng ito para sa kaluwalhatian ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.