28Ngunit kung sinabihan kayo na ang pagkain ay inihandog sa mga diyos-diyosan, huwag na kayong kumain, alang-alang sa nagsabi nito sa inyo, para walang mabalisang konsensiya.
29Ang konsensiya ng iba ang tinutukoy ko, hindi ang konsensiya ninyo. Maaaring sabihin ng iba sa inyo, “Bakit hinuhusgahan ng konsensiya ng iba ang kalayaan ko?
30Kung nagpasalamat naman ako sa Diyos sa pagkain ko, bakit ako tinutuligsa sa pagkain ko nito?”
31Kaya kung kumain man kayo o uminom, o anuman ang gawin ninyo, gawin ninyo ang lahat ng ito para sa kaluwalhatian ng Diyos.
32Huwag kayong gagawa ng kahit anong makakatisod sa mga Hudyo o Hentil, o sinuman sa iglesya ng Diyos.