30Kung nagpasalamat naman ako sa Diyos sa pagkain ko, bakit ako tinutuligsa sa pagkain ko nito?”
31Kaya kung kumain man kayo o uminom, o anuman ang gawin ninyo, gawin ninyo ang lahat ng ito para sa kaluwalhatian ng Diyos.
32Huwag kayong gagawa ng kahit anong makakatisod sa mga Hudyo o Hentil, o sinuman sa iglesya ng Diyos.
33Sundin ninyo ang aking ginagawa: Sinisikap ko na sa lahat ng aking ginagawa ay matutulungan ko ang lahat. Hindi ang sarili kong kapakanan ang aking iniisip kundi ang kapakanan ng iba upang maligtas sila.