1 Mga Taga-Corinto 10

Kumain silang lahat ng pagkaing ibinigay ng Diyos.

1 Corinthians 10:3 (UKJV) And did all eat the same spiritual food;

1Mga kapatid, huwag sana nating kalimutan ang nangyari sa ating mga ninuno noon. Ginabayan sila ng Diyos sa pamamagitan ng ulap, at tinulungan sila sa kanilang pagtawid sa Dagat na Pula.

2Sa pamamagitan ng ulap at ng dagat ay nabautismuhan sila bilang mga alagad ni Moises.

3Kumain silang lahat ng pagkaing ibinigay ng Diyos.

4At uminom din silang lahat ng inuming ibinigay niya, dahil uminom sila ng tubig na pinaagos ng Diyos mula sa bato. Ang batong iyon na sumáma sa kanila ay walang iba kundi si Kristo.

5Ngunit sa kabila nito, karamihan sa kanila ay gumawa ng hindi kalugod-lugod sa Diyos, at dahil dito, nangalat ang kanilang mga bangkay sa ilang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.