1 Mga Taga-Corinto 10

At uminom din silang lahat ng inuming ibinigay niya, dahil uminom sila ng tubig na pinaagos ng Diyos mula sa bato. Ang batong iyon na sumáma sa kanila ay walang iba kundi si Kristo.

1 Corinthians 10:4 (UKJV) And did all drink the same spiritual drink: for they drank of that spiritual Rock that followed them: and that Rock was Christ.

2Sa pamamagitan ng ulap at ng dagat ay nabautismuhan sila bilang mga alagad ni Moises.

3Kumain silang lahat ng pagkaing ibinigay ng Diyos.

4At uminom din silang lahat ng inuming ibinigay niya, dahil uminom sila ng tubig na pinaagos ng Diyos mula sa bato. Ang batong iyon na sumáma sa kanila ay walang iba kundi si Kristo.

5Ngunit sa kabila nito, karamihan sa kanila ay gumawa ng hindi kalugod-lugod sa Diyos, at dahil dito, nangalat ang kanilang mga bangkay sa ilang.

6Ang mga nangyaring iyon sa kanila ay nagsisilbing aral sa atin upang hindi tayo maghangad ng masasamang bagay tulad nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.