1 Mga Taga-Corinto 11

Ngayon, gusto kong malaman ninyo na si Kristo ang ulo ng bawat lalaki, at ang lalaki ang siya namang ulo ng babae, at ang Diyos naman ang ulo ni Kristo.

1 Corinthians 11:3 (UKJV) But I would have you know, that the head of every man is Christ; and the head of the woman is the man; and the head of Christ is God.

1Kaya tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Kristo.

2Pinupuri ko kayo dahil palagi ninyo akong naaalala, at sinusunod ninyo ang mga itinuro ko sa inyo.

3Ngayon, gusto kong malaman ninyo na si Kristo ang ulo ng bawat lalaki, at ang lalaki ang siya namang ulo ng babae, at ang Diyos naman ang ulo ni Kristo.

4Kung ang isang lalaki ay nananalangin o nagpapahayag ng mensahe ng Diyos na may takip ang ulo, nagdadala siya ng kahihiyan sa kanyang ulo na si Kristo.

5Ang babae namang nananalangin o nagpapahayag ng mensahe ng Diyos na walang takip ang ulo ay nagdadala ng kahihiyan sa kanyang ulo na walang iba kundi ang lalaki, at para na rin siyang nagpakalbo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.