1Kaya tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Kristo.
2Pinupuri ko kayo dahil palagi ninyo akong naaalala, at sinusunod ninyo ang mga itinuro ko sa inyo.
3Ngayon, gusto kong malaman ninyo na si Kristo ang ulo ng bawat lalaki, at ang lalaki ang siya namang ulo ng babae, at ang Diyos naman ang ulo ni Kristo.
4Kung ang isang lalaki ay nananalangin o nagpapahayag ng mensahe ng Diyos na may takip ang ulo, nagdadala siya ng kahihiyan sa kanyang ulo na si Kristo.