2Pinupuri ko kayo dahil palagi ninyo akong naaalala, at sinusunod ninyo ang mga itinuro ko sa inyo.
3Ngayon, gusto kong malaman ninyo na si Kristo ang ulo ng bawat lalaki, at ang lalaki ang siya namang ulo ng babae, at ang Diyos naman ang ulo ni Kristo.
4Kung ang isang lalaki ay nananalangin o nagpapahayag ng mensahe ng Diyos na may takip ang ulo, nagdadala siya ng kahihiyan sa kanyang ulo na si Kristo.
5Ang babae namang nananalangin o nagpapahayag ng mensahe ng Diyos na walang takip ang ulo ay nagdadala ng kahihiyan sa kanyang ulo na walang iba kundi ang lalaki, at para na rin siyang nagpakalbo.
6Kung ayaw magtakip ng ulo ang isang babae, magpaputol na lang siya ng buhok. Ngunit kahiya-hiya naman sa babae ang magpaputol ng buhok o magpakalbo, kaya dapat siyang magtakip ng ulo.