1 Mga Taga-Corinto 12

Alam naman natin na hindi lahat ay apostol; hindi lahat ay propeta o guro. Hindi lahat ay may kakayahang gumawa ng mga himala,

1 Corinthians 12:29 (UKJV) Are all apostles? are all prophets? are all teachers? are all workers of miracles?

27Kayong lahat ang bumubuo sa katawan ni Kristo, at ang bawat isaʼy bahagi nito.

28At naglagay ang Diyos sa iglesya ng ibaʼt ibang mga bahagi: una, mga apostol; pangalawa, mga propeta; pangatlo, mga guro. Naglagay din siya ng mga gumagawa ng mga himala, mga nagpapagaling sa mga maysakit, mga tumutulong sa iba, mga tagapangasiwa, at mga nagsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi nila natutunan.

29Alam naman natin na hindi lahat ay apostol; hindi lahat ay propeta o guro. Hindi lahat ay may kakayahang gumawa ng mga himala,

30magpagaling ng mga may sakit, makapagsalita sa ibaʼt ibang wikang hindi nila natutunan o magpaliwanag ng mga ito.

31Ngunit sikapin ninyong makamtan ang mas mahalagang mga kaloob. At ngayon ay ituturo ko sa inyo ang pinakamabuting paraan sa lahat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.