1 Mga Taga-Corinto 14

At dahil nga hinahangad naman ninyo ang mga kaloob ng Espiritu, pagsikapan ninyong matanggap ang mga kaloob na nagpapatibay sa iglesya.

1 Corinthians 14:12 (UKJV) Even so all of you, forasmuch as all of you are zealous of spiritual gifts, seek that all of you may excel to the edifying of the church.

10Totoo ngang maraming ibaʼt ibang wika sa mundo, ngunit ang bawat isa ay may kahulugan.

11Kung hindi ko maintindihan ang wikang ginagamit ng isang tao, ako ay nagiging dayuhan sa nagsasalita nito at ang nagsasalita nito ay nagiging dayuhan rin sa akin.

12At dahil nga hinahangad naman ninyo ang mga kaloob ng Espiritu, pagsikapan ninyong matanggap ang mga kaloob na nagpapatibay sa iglesya.

13Kaya nga, ang taong nagsasalita sa ibang wikang hindi niya natutunan ay dapat manalangin at humiling na bigyan din siya ng kakayahang ipaliwanag ito.

14Kung nananalangin ako sa ibang wikang hindi ko natutunan, nananalangin nga ang aking espiritu, ngunit hindi ko naman naiintindihan ang sinasabi ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.