11Kung hindi ko maintindihan ang wikang ginagamit ng isang tao, ako ay nagiging dayuhan sa nagsasalita nito at ang nagsasalita nito ay nagiging dayuhan rin sa akin.
12At dahil nga hinahangad naman ninyo ang mga kaloob ng Espiritu, pagsikapan ninyong matanggap ang mga kaloob na nagpapatibay sa iglesya.
13Kaya nga, ang taong nagsasalita sa ibang wikang hindi niya natutunan ay dapat manalangin at humiling na bigyan din siya ng kakayahang ipaliwanag ito.
14Kung nananalangin ako sa ibang wikang hindi ko natutunan, nananalangin nga ang aking espiritu, ngunit hindi ko naman naiintindihan ang sinasabi ko.
15Kung ganoon, ano ang dapat kong gawin? Mananalangin ako sa pamamagitan ng espiritu, ngunit mananalangin din ako sa paraang naiintindihan ko. Aawit ako sa pamamagitan ng espiritu, ngunit aawit din ako sa paraang naiintindihan ko.