8At ganoon din sa trumpeta ng mga sundalo, kung hindi malinaw ang tunog nito, sinong maghahanda para sa digmaan?
9Ganito rin sa inyo. Kung nagsasalita kayo sa ibaʼt ibang wikang hindi naman naiintindihan, paano ito mauunawaan ng iba? Para ka na ring nakikipag-usap sa hangin.
10Totoo ngang maraming ibaʼt ibang wika sa mundo, ngunit ang bawat isa ay may kahulugan.
11Kung hindi ko maintindihan ang wikang ginagamit ng isang tao, ako ay nagiging dayuhan sa nagsasalita nito at ang nagsasalita nito ay nagiging dayuhan rin sa akin.
12At dahil nga hinahangad naman ninyo ang mga kaloob ng Espiritu, pagsikapan ninyong matanggap ang mga kaloob na nagpapatibay sa iglesya.