1 Mga Taga-Corinto 14

Ganito rin sa inyo. Kung nagsasalita kayo sa ibaʼt ibang wikang hindi naman naiintindihan, paano ito mauunawaan ng iba? Para ka na ring nakikipag-usap sa hangin.

1 Corinthians 14:9 (UKJV) So likewise all of you, except all of you utter by the tongue words easy to be understood, how shall it be known what is spoken? for all of you shall speak into the air.

7Kahit ang mga instrumentong walang buhay tulad ng plawta at alpa ay kailangang malinaw ang mga notang tinutugtog, dahil kung hindi, paano malalaman ng nakakarinig kung anong awit ang tinutugtog?

8At ganoon din sa trumpeta ng mga sundalo, kung hindi malinaw ang tunog nito, sinong maghahanda para sa digmaan?

9Ganito rin sa inyo. Kung nagsasalita kayo sa ibaʼt ibang wikang hindi naman naiintindihan, paano ito mauunawaan ng iba? Para ka na ring nakikipag-usap sa hangin.

10Totoo ngang maraming ibaʼt ibang wika sa mundo, ngunit ang bawat isa ay may kahulugan.

11Kung hindi ko maintindihan ang wikang ginagamit ng isang tao, ako ay nagiging dayuhan sa nagsasalita nito at ang nagsasalita nito ay nagiging dayuhan rin sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.