18Nagpapasalamat ako sa Diyos na nakapagsasalita ako sa ibaʼt ibang wika ng higit pa sa inyong lahat.
19Ngunit sa iglesya, mas gugustuhin ko pang magsalita ng limang katagang nauunawaan para maturuan ko ang iba, kaysa libo-libong kataga sa wikang wala namang nakakaunawa.
20Mga kapatid, huwag kayong maging isip-bata sa pag-unawa sa mga bagay na ito. Kung sa masasamang bagay, mag-isip kayong tulad ng mga bata na walang malay sa kasamaan. Ngunit sa pang-unawa, mag-isip kayong tulad ng mga matatanda.
21Sinasabi ng Panginoon sa Kasulatan: “Magsasalita ako sa mga taong ito sa pamamagitan ng ibaʼt ibang wika at sa pamamagitan ng mga dayuhan, ngunit hindi pa rin sila makikinig sa akin.”
22Kaya ang pagsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi natutunan ay isang tanda, hindi para sa mga mananampalataya, kundi para sa mga hindi mananampalataya. Ngunit ang pagpapahayag ng propesiya ay hindi para sa mga hindi mananampalataya, kundi para sa mga mananampalataya.