1 Mga Taga-Corinto 14

Sinasabi ng Panginoon sa Kasulatan: “Magsasalita ako sa mga taong ito sa pamamagitan ng ibaʼt ibang wika at sa pamamagitan ng mga dayuhan, ngunit hindi pa rin sila makikinig sa akin.”

1 Corinthians 14:21 (UKJV) In the law it is written, With men of other tongues and other lips will I speak unto this people; and yet for all that will they not hear me, says the LORD.

19Ngunit sa iglesya, mas gugustuhin ko pang magsalita ng limang katagang nauunawaan para maturuan ko ang iba, kaysa libo-libong kataga sa wikang wala namang nakakaunawa.

20Mga kapatid, huwag kayong maging isip-bata sa pag-unawa sa mga bagay na ito. Kung sa masasamang bagay, mag-isip kayong tulad ng mga bata na walang malay sa kasamaan. Ngunit sa pang-unawa, mag-isip kayong tulad ng mga matatanda.

21Sinasabi ng Panginoon sa Kasulatan: “Magsasalita ako sa mga taong ito sa pamamagitan ng ibaʼt ibang wika at sa pamamagitan ng mga dayuhan, ngunit hindi pa rin sila makikinig sa akin.”

22Kaya ang pagsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi natutunan ay isang tanda, hindi para sa mga mananampalataya, kundi para sa mga hindi mananampalataya. Ngunit ang pagpapahayag ng propesiya ay hindi para sa mga hindi mananampalataya, kundi para sa mga mananampalataya.

23Kung nagtitipon kayong mga mananampalataya at lahat kayoʼy nagsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi ninyo natutunan, at may dumating na mga di-mananampalataya na hindi alam ang inyong ginagawa, hindi ba nila aakalaing nasisiraan kayo ng bait?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.