21Sinasabi ng Panginoon sa Kasulatan: “Magsasalita ako sa mga taong ito sa pamamagitan ng ibaʼt ibang wika at sa pamamagitan ng mga dayuhan, ngunit hindi pa rin sila makikinig sa akin.”
22Kaya ang pagsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi natutunan ay isang tanda, hindi para sa mga mananampalataya, kundi para sa mga hindi mananampalataya. Ngunit ang pagpapahayag ng propesiya ay hindi para sa mga hindi mananampalataya, kundi para sa mga mananampalataya.
23Kung nagtitipon kayong mga mananampalataya at lahat kayoʼy nagsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi ninyo natutunan, at may dumating na mga di-mananampalataya na hindi alam ang inyong ginagawa, hindi ba nila aakalaing nasisiraan kayo ng bait?
24Ngunit kung lahat kayoʼy nagpapahayag ng propesiya ng Diyos at may dumating na hindi mananampalataya na hindi alam ang inyong ginagawa, makikilala niyang makasalanan siya, at malalaman niya ang tunay niyang kalagayan.
25Maging ang mga lihim ng kanyang puso ay maihahayag, at dahil dito, siyaʼy magpapatirapa at sasamba sa Diyos, at masasabi niyang ang Diyos ay talagang nasa piling ninyo.