1 Mga Taga-Corinto 14

Maging ang mga lihim ng kanyang puso ay maihahayag, at dahil dito, siyaʼy magpapatirapa at sasamba sa Diyos, at masasabi niyang ang Diyos ay talagang nasa piling ninyo.

1 Corinthians 14:25 (UKJV) And thus are the secrets of his heart made manifest; and so falling down on his face he will worship God, and report that God is in you truthfully.

23Kung nagtitipon kayong mga mananampalataya at lahat kayoʼy nagsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi ninyo natutunan, at may dumating na mga di-mananampalataya na hindi alam ang inyong ginagawa, hindi ba nila aakalaing nasisiraan kayo ng bait?

24Ngunit kung lahat kayoʼy nagpapahayag ng propesiya ng Diyos at may dumating na hindi mananampalataya na hindi alam ang inyong ginagawa, makikilala niyang makasalanan siya, at malalaman niya ang tunay niyang kalagayan.

25Maging ang mga lihim ng kanyang puso ay maihahayag, at dahil dito, siyaʼy magpapatirapa at sasamba sa Diyos, at masasabi niyang ang Diyos ay talagang nasa piling ninyo.

26Kaya mga kapatid, ito ang nararapat ninyong gawin kapag kayo ay nagtitipon: May aawit, may magtuturo, may magpapahayag ng propesiya, may magsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi nila natutunan, at ang iba namaʼy ipapaliwanag kung ano ang kahulugan ng mga sinasabi sa mga wikang iyon. At gawin ninyo ang lahat ng iyan sa ikapagpapatibay ng iglesya.

27Kung may magsasalita sa ibang wika, kailangang dalawa lamang o tatlo, at huwag sabay-sabay, at dapat may magpapaliwanag sa kahulugan ng kanilang sinasabi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.