1 Mga Taga-Corinto 14

Kaya mga kapatid, ito ang nararapat ninyong gawin kapag kayo ay nagtitipon: May aawit, may magtuturo, may magpapahayag ng propesiya, may magsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi nila natutunan, at ang iba namaʼy ipapaliwanag kung ano ang kahulugan ng mga sinasabi sa mga wikang iyon. At gawin ninyo ang lahat ng iyan sa ikapagpapatibay ng iglesya.

1 Corinthians 14:26 (UKJV) How is it then, brethren? when all of you come together, every one of you has a psalm, has a doctrine, has a tongue, has a revelation, has an interpretation. Let all things be done unto edifying.

24Ngunit kung lahat kayoʼy nagpapahayag ng propesiya ng Diyos at may dumating na hindi mananampalataya na hindi alam ang inyong ginagawa, makikilala niyang makasalanan siya, at malalaman niya ang tunay niyang kalagayan.

25Maging ang mga lihim ng kanyang puso ay maihahayag, at dahil dito, siyaʼy magpapatirapa at sasamba sa Diyos, at masasabi niyang ang Diyos ay talagang nasa piling ninyo.

26Kaya mga kapatid, ito ang nararapat ninyong gawin kapag kayo ay nagtitipon: May aawit, may magtuturo, may magpapahayag ng propesiya, may magsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi nila natutunan, at ang iba namaʼy ipapaliwanag kung ano ang kahulugan ng mga sinasabi sa mga wikang iyon. At gawin ninyo ang lahat ng iyan sa ikapagpapatibay ng iglesya.

27Kung may magsasalita sa ibang wika, kailangang dalawa lamang o tatlo, at huwag sabay-sabay, at dapat may magpapaliwanag sa kahulugan ng kanilang sinasabi.

28Ngunit kung walang magpapaliwanag, mas mabuti pang tumahimik na lamang sila sa loob ng iglesya at makipag-usap na lamang sa Diyos nang sarilinan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.