1 Mga Taga-Corinto 14

Ngunit kung walang magpapaliwanag, mas mabuti pang tumahimik na lamang sila sa loob ng iglesya at makipag-usap na lamang sa Diyos nang sarilinan.

1 Corinthians 14:28 (UKJV) But if there be no interpreter, let him keep silence in the church; and let him speak to himself, and to God.

26Kaya mga kapatid, ito ang nararapat ninyong gawin kapag kayo ay nagtitipon: May aawit, may magtuturo, may magpapahayag ng propesiya, may magsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi nila natutunan, at ang iba namaʼy ipapaliwanag kung ano ang kahulugan ng mga sinasabi sa mga wikang iyon. At gawin ninyo ang lahat ng iyan sa ikapagpapatibay ng iglesya.

27Kung may magsasalita sa ibang wika, kailangang dalawa lamang o tatlo, at huwag sabay-sabay, at dapat may magpapaliwanag sa kahulugan ng kanilang sinasabi.

28Ngunit kung walang magpapaliwanag, mas mabuti pang tumahimik na lamang sila sa loob ng iglesya at makipag-usap na lamang sa Diyos nang sarilinan.

29Kung may gustong magpropesiya, hayaang magsalita ang dalawa o tatlo sa kanila. Ang iba namaʼy dapat suriing mabuti kung tama ba o mali ang kanilang sinasabi.

30Ngayon, kung sa mga nakaupo ay may pinagkalooban ng pahayag, dapat tumahimik na ang nagsasalita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.