28Ngunit kung walang magpapaliwanag, mas mabuti pang tumahimik na lamang sila sa loob ng iglesya at makipag-usap na lamang sa Diyos nang sarilinan.
29Kung may gustong magpropesiya, hayaang magsalita ang dalawa o tatlo sa kanila. Ang iba namaʼy dapat suriing mabuti kung tama ba o mali ang kanilang sinasabi.
30Ngayon, kung sa mga nakaupo ay may pinagkalooban ng pahayag, dapat tumahimik na ang nagsasalita.
31Sa ganitong paraan, kayong lahat ay mabibigyan ng pagkakataong makapagpropesiya nang sunod-sunod, upang matuto ang lahat at mapatibay ang kanilang pananampalataya.
32Ang mga nagpapahayag ng propesiya ay dapat may pagpipigil sa sarili.