1 Mga Taga-Corinto 14

Kung mayroon sa inyong nag-aakala na may kakayahan siyang magpahayag ng propesiya ng Diyos o siyaʼy mayroong mga kaloob na espirituwal, dapat din niyang kilalanin na ang mga sinusulat ko sa inyoʼy utos mismo ng Panginoon.

1 Corinthians 14:37 (UKJV) If any man think himself to be a prophet, or spiritual, let him acknowledge that the things that I write unto you are the commandments of the Lord.

35Kung may tanong sila, tanungin na lamang nila ang kanilang asawa pagdating sa kanilang bahay. Sapagkat nakakahiyang magsalita ang isang babae sa loob ng iglesya.

36Inaakala ba ninyong nagmula sa inyo ang salita ng Diyos, o di kayaʼy kayo lamang ang nakatanggap nito?

37Kung mayroon sa inyong nag-aakala na may kakayahan siyang magpahayag ng propesiya ng Diyos o siyaʼy mayroong mga kaloob na espirituwal, dapat din niyang kilalanin na ang mga sinusulat ko sa inyoʼy utos mismo ng Panginoon.

38At kung mayroon mang hindi kumikilala sa aking mga sinasabi ay huwag din ninyong kilalanin.

39Kaya mga kapatid, pakahangarin ninyong makapagpahayag kayo ng propesiya ng Diyos, at huwag ninyong ipagbawal ang pagsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi ninyo natutunan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.