36Inaakala ba ninyong nagmula sa inyo ang salita ng Diyos, o di kayaʼy kayo lamang ang nakatanggap nito?
37Kung mayroon sa inyong nag-aakala na may kakayahan siyang magpahayag ng propesiya ng Diyos o siyaʼy mayroong mga kaloob na espirituwal, dapat din niyang kilalanin na ang mga sinusulat ko sa inyoʼy utos mismo ng Panginoon.
38At kung mayroon mang hindi kumikilala sa aking mga sinasabi ay huwag din ninyong kilalanin.
39Kaya mga kapatid, pakahangarin ninyong makapagpahayag kayo ng propesiya ng Diyos, at huwag ninyong ipagbawal ang pagsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi ninyo natutunan.
40Ngunit gawin ninyo ang lahat sa maayos at wastong paraan.