38At kung mayroon mang hindi kumikilala sa aking mga sinasabi ay huwag din ninyong kilalanin.
39Kaya mga kapatid, pakahangarin ninyong makapagpahayag kayo ng propesiya ng Diyos, at huwag ninyong ipagbawal ang pagsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi ninyo natutunan.
40Ngunit gawin ninyo ang lahat sa maayos at wastong paraan.