1 Mga Taga-Corinto 15

Ngayon mga kapatid, nais kong ipaalala sa inyo ang Magandang Balita na ipinangaral ko sa inyo. Ito ang aral na inyong tinanggap at hanggang ngayon ay inyong pinaninindigan.

1 Corinthians 15:1 (UKJV) Moreover, brethren, I declare unto you the gospel which I preached unto you, which also all of you have received, and wherein all of you stand;

1Ngayon mga kapatid, nais kong ipaalala sa inyo ang Magandang Balita na ipinangaral ko sa inyo. Ito ang aral na inyong tinanggap at hanggang ngayon ay inyong pinaninindigan.

2Sa pamamagitan nitoʼy maliligtas kayo kung panghahawakan ninyong mabuti ang mensaheng ipinangaral ko, maliban na lamang kung hindi kayo tunay na nanampalataya sa simula pa lamang.

3Sapagkat ibinigay ko sa inyo ang pinakamahalagang aral na ibinigay sa akin: Na si Kristoʼy namatay para iligtas tayo sa ating mga kasalanan, ayon sa Kasulatan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.