1 Mga Taga-Corinto 15

Sa pamamagitan nitoʼy maliligtas kayo kung panghahawakan ninyong mabuti ang mensaheng ipinangaral ko, maliban na lamang kung hindi kayo tunay na nanampalataya sa simula pa lamang.

1 Corinthians 15:2 (UKJV) By which also all of you are saved, if all of you keep in memory what I preached unto you, unless all of you have believed in vain.

1Ngayon mga kapatid, nais kong ipaalala sa inyo ang Magandang Balita na ipinangaral ko sa inyo. Ito ang aral na inyong tinanggap at hanggang ngayon ay inyong pinaninindigan.

2Sa pamamagitan nitoʼy maliligtas kayo kung panghahawakan ninyong mabuti ang mensaheng ipinangaral ko, maliban na lamang kung hindi kayo tunay na nanampalataya sa simula pa lamang.

3Sapagkat ibinigay ko sa inyo ang pinakamahalagang aral na ibinigay sa akin: Na si Kristoʼy namatay para iligtas tayo sa ating mga kasalanan, ayon sa Kasulatan.

4Inilibing siya ngunit muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.