2Sa pamamagitan nitoʼy maliligtas kayo kung panghahawakan ninyong mabuti ang mensaheng ipinangaral ko, maliban na lamang kung hindi kayo tunay na nanampalataya sa simula pa lamang.
3Sapagkat ibinigay ko sa inyo ang pinakamahalagang aral na ibinigay sa akin: Na si Kristoʼy namatay para iligtas tayo sa ating mga kasalanan, ayon sa Kasulatan.
4Inilibing siya ngunit muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan.
5Nagpakita siya kay Pedro, at sa iba pa sa mga Labindalawa.
6Pagkatapos, nagpakita rin siya sa mahigit 500 na mga kapatid na nagkakatipon. Karamihan sa kanilaʼy buháy pa hanggang ngayon, ngunit ang ilan sa kanila ay patay na.