4Inilibing siya ngunit muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan.
5Nagpakita siya kay Pedro, at sa iba pa sa mga Labindalawa.
6Pagkatapos, nagpakita rin siya sa mahigit 500 na mga kapatid na nagkakatipon. Karamihan sa kanilaʼy buháy pa hanggang ngayon, ngunit ang ilan sa kanila ay patay na.
7Nagpakita rin siya kay Santiago, at pagkatapos sa lahat ng apostol.
8At sa kahuli-hulihan ay nagpakita rin siya sa akin. Ang katulad koʼy isang sanggol na ipinanganak nang wala sa panahon.