1 Mga Taga-Corinto 14

Kung may tanong sila, tanungin na lamang nila ang kanilang asawa pagdating sa kanilang bahay. Sapagkat nakakahiyang magsalita ang isang babae sa loob ng iglesya.

1 Corinthians 14:35 (UKJV) And if they will learn any thing, let them ask their husbands at home: for it is a shame for women to speak in the church.

33Sapagkat ang Diyos ay hindi nagdadala ng kaguluhan kundi kaayusan – tulad ng nakaugalian sa lahat ng iglesya ng mga hinirang ng Diyos.

34Ang mga babae ay dapat tumahimik sa mga pagtitipon ninyo dahil hindi sila pinahihintulutang magsalita. Dapat silang magpasakop sa mga lalaki ayon sa sinasabi ng Kautusan.

35Kung may tanong sila, tanungin na lamang nila ang kanilang asawa pagdating sa kanilang bahay. Sapagkat nakakahiyang magsalita ang isang babae sa loob ng iglesya.

36Inaakala ba ninyong nagmula sa inyo ang salita ng Diyos, o di kayaʼy kayo lamang ang nakatanggap nito?

37Kung mayroon sa inyong nag-aakala na may kakayahan siyang magpahayag ng propesiya ng Diyos o siyaʼy mayroong mga kaloob na espirituwal, dapat din niyang kilalanin na ang mga sinusulat ko sa inyoʼy utos mismo ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.