31Sa ganitong paraan, kayong lahat ay mabibigyan ng pagkakataong makapagpropesiya nang sunod-sunod, upang matuto ang lahat at mapatibay ang kanilang pananampalataya.
32Ang mga nagpapahayag ng propesiya ay dapat may pagpipigil sa sarili.
33Sapagkat ang Diyos ay hindi nagdadala ng kaguluhan kundi kaayusan – tulad ng nakaugalian sa lahat ng iglesya ng mga hinirang ng Diyos.
34Ang mga babae ay dapat tumahimik sa mga pagtitipon ninyo dahil hindi sila pinahihintulutang magsalita. Dapat silang magpasakop sa mga lalaki ayon sa sinasabi ng Kautusan.
35Kung may tanong sila, tanungin na lamang nila ang kanilang asawa pagdating sa kanilang bahay. Sapagkat nakakahiyang magsalita ang isang babae sa loob ng iglesya.