1 Mga Taga-Corinto 14

Ang mga babae ay dapat tumahimik sa mga pagtitipon ninyo dahil hindi sila pinahihintulutang magsalita. Dapat silang magpasakop sa mga lalaki ayon sa sinasabi ng Kautusan.

1 Corinthians 14:34 (UKJV) Let your women keep silence in the churches: for it is not permitted unto them to speak; but they are commanded to be under obedience as also says the law.

32Ang mga nagpapahayag ng propesiya ay dapat may pagpipigil sa sarili.

33Sapagkat ang Diyos ay hindi nagdadala ng kaguluhan kundi kaayusan – tulad ng nakaugalian sa lahat ng iglesya ng mga hinirang ng Diyos.

34Ang mga babae ay dapat tumahimik sa mga pagtitipon ninyo dahil hindi sila pinahihintulutang magsalita. Dapat silang magpasakop sa mga lalaki ayon sa sinasabi ng Kautusan.

35Kung may tanong sila, tanungin na lamang nila ang kanilang asawa pagdating sa kanilang bahay. Sapagkat nakakahiyang magsalita ang isang babae sa loob ng iglesya.

36Inaakala ba ninyong nagmula sa inyo ang salita ng Diyos, o di kayaʼy kayo lamang ang nakatanggap nito?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.