1 Mga Taga-Corinto 15

Ngayon, kung ipinangangaral namin sa inyo na si Kristoʼy muling binuhay, bakit sinasabi ng ilan sa inyo na walang muling pagkabuhay ng mga patay?

1 Corinthians 15:12 (UKJV) Now if Christ be preached that he rose from the dead, how say some among you that there is no resurrection of the dead?

10Ngunit dahil sa biyaya ng Diyos, akoʼy naging isang apostol. At hindi nasayang ang biyayang ipinagkaloob niya sa akin, dahil higit akong nagpagal kung ihahambing sa ibang mga apostol, bagamaʼt itoʼy sa pamamagitan ng tulong ng Diyos at hindi ng aking sarili lamang.

11Kaya nga, walang pagkakaiba kung sila o ako ang nangangaral. Ang mahalagaʼy iisa ang aming ipinangangaral at iyon din ang inyong pinananaligan.

12Ngayon, kung ipinangangaral namin sa inyo na si Kristoʼy muling binuhay, bakit sinasabi ng ilan sa inyo na walang muling pagkabuhay ng mga patay?

13Kung totoong walang muling pagkabuhay, itoʼy nangangahulugang kahit si Kristoʼy hindi rin muling binuhay.

14At kung si Kristoʼy hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral, maging ang inyong pananampalataya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.