1 Mga Taga-Corinto 15

Ngunit dahil sa biyaya ng Diyos, akoʼy naging isang apostol. At hindi nasayang ang biyayang ipinagkaloob niya sa akin, dahil higit akong nagpagal kung ihahambing sa ibang mga apostol, bagamaʼt itoʼy sa pamamagitan ng tulong ng Diyos at hindi ng aking sarili lamang.

1 Corinthians 15:10 (UKJV) But by the grace of God I am what I am: and his grace which was bestowed upon me was not in vain; but I laboured more abundantly than they all: yet not I, but the grace of God which was with me.

8At sa kahuli-hulihan ay nagpakita rin siya sa akin. Ang katulad koʼy isang sanggol na ipinanganak nang wala sa panahon.

9Sapagkat ako ang pinakahamak sa mga apostol at hindi nga ako karapat-dapat tawaging apostol dahil inusig ko ang iglesya ng Diyos.

10Ngunit dahil sa biyaya ng Diyos, akoʼy naging isang apostol. At hindi nasayang ang biyayang ipinagkaloob niya sa akin, dahil higit akong nagpagal kung ihahambing sa ibang mga apostol, bagamaʼt itoʼy sa pamamagitan ng tulong ng Diyos at hindi ng aking sarili lamang.

11Kaya nga, walang pagkakaiba kung sila o ako ang nangangaral. Ang mahalagaʼy iisa ang aming ipinangangaral at iyon din ang inyong pinananaligan.

12Ngayon, kung ipinangangaral namin sa inyo na si Kristoʼy muling binuhay, bakit sinasabi ng ilan sa inyo na walang muling pagkabuhay ng mga patay?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.