7Nagpakita rin siya kay Santiago, at pagkatapos sa lahat ng apostol.
8At sa kahuli-hulihan ay nagpakita rin siya sa akin. Ang katulad koʼy isang sanggol na ipinanganak nang wala sa panahon.
9Sapagkat ako ang pinakahamak sa mga apostol at hindi nga ako karapat-dapat tawaging apostol dahil inusig ko ang iglesya ng Diyos.
10Ngunit dahil sa biyaya ng Diyos, akoʼy naging isang apostol. At hindi nasayang ang biyayang ipinagkaloob niya sa akin, dahil higit akong nagpagal kung ihahambing sa ibang mga apostol, bagamaʼt itoʼy sa pamamagitan ng tulong ng Diyos at hindi ng aking sarili lamang.
11Kaya nga, walang pagkakaiba kung sila o ako ang nangangaral. Ang mahalagaʼy iisa ang aming ipinangangaral at iyon din ang inyong pinananaligan.