1 Mga Taga-Corinto 15

Kaya nga, walang pagkakaiba kung sila o ako ang nangangaral. Ang mahalagaʼy iisa ang aming ipinangangaral at iyon din ang inyong pinananaligan.

1 Corinthians 15:11 (UKJV) Therefore whether it were I or they, so we preach, and so all of you believed.

9Sapagkat ako ang pinakahamak sa mga apostol at hindi nga ako karapat-dapat tawaging apostol dahil inusig ko ang iglesya ng Diyos.

10Ngunit dahil sa biyaya ng Diyos, akoʼy naging isang apostol. At hindi nasayang ang biyayang ipinagkaloob niya sa akin, dahil higit akong nagpagal kung ihahambing sa ibang mga apostol, bagamaʼt itoʼy sa pamamagitan ng tulong ng Diyos at hindi ng aking sarili lamang.

11Kaya nga, walang pagkakaiba kung sila o ako ang nangangaral. Ang mahalagaʼy iisa ang aming ipinangangaral at iyon din ang inyong pinananaligan.

12Ngayon, kung ipinangangaral namin sa inyo na si Kristoʼy muling binuhay, bakit sinasabi ng ilan sa inyo na walang muling pagkabuhay ng mga patay?

13Kung totoong walang muling pagkabuhay, itoʼy nangangahulugang kahit si Kristoʼy hindi rin muling binuhay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.