15At hindi lamang iyan, lalabas din kaming mga bulaang saksi tungkol sa Diyos dahil ipinapahayag namin na muli niyang binuhay si Kristo. Ngunit kung talagang walang muling pagkabuhay ng mga patay, totoo ngang hindi niya muling binuhay si Kristo.
16Sapagkat kung walang muling pagkabuhay ng mga patay, maging si Kristoʼy hindi muling binuhay.
17At kung si Kristo ay hindi muling binuhay, walang silbi ang inyong pananampalataya at hindi pa kayo napapatawad sa inyong mga kasalanan.
18At nangangahulugan din na ang mga mananampalataya kay Kristo na namatay na ay hindi rin naligtas.
19Kung ang pag-asa natin kay Kristo ay hanggang sa buhay na ito lamang, tayo na ang pinakakawawa sa lahat ng tao.