1 Mga Taga-Corinto 15

Kung ang pag-asa natin kay Kristo ay hanggang sa buhay na ito lamang, tayo na ang pinakakawawa sa lahat ng tao.

1 Corinthians 15:19 (UKJV) If in this life only we have hope in Christ, we are of all men most miserable.

17At kung si Kristo ay hindi muling binuhay, walang silbi ang inyong pananampalataya at hindi pa kayo napapatawad sa inyong mga kasalanan.

18At nangangahulugan din na ang mga mananampalataya kay Kristo na namatay na ay hindi rin naligtas.

19Kung ang pag-asa natin kay Kristo ay hanggang sa buhay na ito lamang, tayo na ang pinakakawawa sa lahat ng tao.

20Ngunit sa katunayan, si Kristo ngaʼy muling binuhay. Siya ang kauna-unahang binuhay bilang katibayan na mayroong muling pagkabuhay ng mga patay.

21Dahil sa isang tao, dumating ang kamatayan sa lahat ng tao. At dahil din sa isang tao, nagkaroon ng muling pagkabuhay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.