18At nangangahulugan din na ang mga mananampalataya kay Kristo na namatay na ay hindi rin naligtas.
19Kung ang pag-asa natin kay Kristo ay hanggang sa buhay na ito lamang, tayo na ang pinakakawawa sa lahat ng tao.
20Ngunit sa katunayan, si Kristo ngaʼy muling binuhay. Siya ang kauna-unahang binuhay bilang katibayan na mayroong muling pagkabuhay ng mga patay.
21Dahil sa isang tao, dumating ang kamatayan sa lahat ng tao. At dahil din sa isang tao, nagkaroon ng muling pagkabuhay.
22Sapagkat kung paanong tayong mga tao ay mamamatay dahil sa kaugnayan natin kay Adan, ganoon din naman, dahil sa ating kaugnayan kay Kristo, tayong lahat ay muling bubuhayin.