20Ngunit sa katunayan, si Kristo ngaʼy muling binuhay. Siya ang kauna-unahang binuhay bilang katibayan na mayroong muling pagkabuhay ng mga patay.
21Dahil sa isang tao, dumating ang kamatayan sa lahat ng tao. At dahil din sa isang tao, nagkaroon ng muling pagkabuhay.
22Sapagkat kung paanong tayong mga tao ay mamamatay dahil sa kaugnayan natin kay Adan, ganoon din naman, dahil sa ating kaugnayan kay Kristo, tayong lahat ay muling bubuhayin.
23Ngunit may nakatakdang panahon ang muling pagkabuhay. Unang binuhay si Kristo; pagkatapos, ang mga nakay Kristo naman ang muling bubuhayin pagbalik niya rito sa mundo.
24At pagkatapos nito, darating ang katapusan. Lulupigin niya ang lahat ng kaharian, pamahalaan at kapangyarihan, at ibibigay ang paghahari sa Diyos Ama.