1 Mga Taga-Corinto 15

Ngunit may nakatakdang panahon ang muling pagkabuhay. Unang binuhay si Kristo; pagkatapos, ang mga nakay Kristo naman ang muling bubuhayin pagbalik niya rito sa mundo.

1 Corinthians 15:23 (UKJV) But every man in his own order: Christ the first-fruits; afterward they that are Christ's at his coming.

21Dahil sa isang tao, dumating ang kamatayan sa lahat ng tao. At dahil din sa isang tao, nagkaroon ng muling pagkabuhay.

22Sapagkat kung paanong tayong mga tao ay mamamatay dahil sa kaugnayan natin kay Adan, ganoon din naman, dahil sa ating kaugnayan kay Kristo, tayong lahat ay muling bubuhayin.

23Ngunit may nakatakdang panahon ang muling pagkabuhay. Unang binuhay si Kristo; pagkatapos, ang mga nakay Kristo naman ang muling bubuhayin pagbalik niya rito sa mundo.

24At pagkatapos nito, darating ang katapusan. Lulupigin niya ang lahat ng kaharian, pamahalaan at kapangyarihan, at ibibigay ang paghahari sa Diyos Ama.

25Sapagkat si Kristoʼy dapat maghari hanggang sa mapasuko ng Diyos ang lahat ng kanyang mga kalaban.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.