25Sapagkat si Kristoʼy dapat maghari hanggang sa mapasuko ng Diyos ang lahat ng kanyang mga kalaban.
26At ang huling kaaway na kanyang lulupigin ay ang kamatayan.
27Sinasabi sa Kasulatan na ang lahat ng bagay ay ipinasakop ng Diyos kay Kristo. Ngunit sa salitang “lahat ng bagay,” hindi nangangahulugan na kasama rito ang Diyos na siyang nagpasakop ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Kristo.
28At kung magawa na ito, maging si Kristo ay magpapasakop sa Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kanyang kapangyarihan, upang ang Diyos ang siyang maghari sa lahat ng bagay, sa lahat ng dako.
29Kung walang muling pagkabuhay ng mga patay, ano ang gagawin ng mga nagpabautismo para sa mga patay? Kung hindi muling bubuhayin ang mga patay kailanman, bakit kailangan pang magpabautismo para sa kanila?