1 Mga Taga-Corinto 15

At kung magawa na ito, maging si Kristo ay magpapasakop sa Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kanyang kapangyarihan, upang ang Diyos ang siyang maghari sa lahat ng bagay, sa lahat ng dako.

1 Corinthians 15:28 (UKJV) And when all things shall be subdued unto him, then shall the Son also himself be subject unto him that put all things under him, that God may be all in all.

26At ang huling kaaway na kanyang lulupigin ay ang kamatayan.

27Sinasabi sa Kasulatan na ang lahat ng bagay ay ipinasakop ng Diyos kay Kristo. Ngunit sa salitang “lahat ng bagay,” hindi nangangahulugan na kasama rito ang Diyos na siyang nagpasakop ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Kristo.

28At kung magawa na ito, maging si Kristo ay magpapasakop sa Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kanyang kapangyarihan, upang ang Diyos ang siyang maghari sa lahat ng bagay, sa lahat ng dako.

29Kung walang muling pagkabuhay ng mga patay, ano ang gagawin ng mga nagpabautismo para sa mga patay? Kung hindi muling bubuhayin ang mga patay kailanman, bakit kailangan pang magpabautismo para sa kanila?

30At bakit pa namin inilalagay sa panganib ang aming mga sarili sa bawat sandali?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.