1 Mga Taga-Corinto 4

Bakit sinasabi ninyong nakakahigit kayo sa iba? Ano ba ang mayroon kayo na hindi nagmula sa Diyos? Kung ang lahat ng nasa inyoʼy nagmula sa Diyos, bakit nagmamalaki kayo na parang galing mismo sa inyo ang mga ito?

1 Corinthians 4:7 (UKJV) For who makes you to differ from another? and what have you that you did not receive? now if you did receive it, why do you glory, as if you had not received it?

5Kaya huwag kayong humatol nang wala sa takdang panahon. Hintayin ninyo ang pagbabalik ng Panginoon. Pagdating niya, ilalantad niya ang lahat ng mga pinakatagong lihim at mga pagnanasa ng bawat isa. At sa panahong iyon, tatanggapin ng bawat isa ang papuring mula sa Diyos.

6Mga kapatid, ginamit kong halimbawa ang aking sarili at si Apolos upang matutunan ninyo ang ibig sabihin ng kasabihang, “Huwag ninyong higitan ang sinasabi ng Kasulatan.” Kaya huwag ninyong ipagmalaki ang isa at sabihing mas mabuti siya kaysa sa iba.

7Bakit sinasabi ninyong nakakahigit kayo sa iba? Ano ba ang mayroon kayo na hindi nagmula sa Diyos? Kung ang lahat ng nasa inyoʼy nagmula sa Diyos, bakit nagmamalaki kayo na parang galing mismo sa inyo ang mga ito?

8Inaakala ninyong nasa inyo na ang lahat ng inyong kailangan, na mayayaman na kayo at naghahari na nang wala kami. Sana ngaʼy naghahari na kayo nang makapaghari naman kaming kasama ninyo.

9Sa tingin ko, kaming mga apostol ay ginawa ng Diyos na parang pinakahamak sa lahat ng tao. Para kaming mga taong nahatulan nang kamatayan, na ipinaparada sa harap ng buong mundo, sa mga tao at pati sa mga anghel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.