1 Mga Taga-Corinto 7

Ang bawat isa sa inyo ay dapat mamuhay ayon sa itinakda ng Panginoon sa kanya, at manatili sa kalagayan niya nang tawagin siya ng Diyos. Ito ang iniuutos ko sa lahat ng iglesya.

1 Corinthians 7:17 (UKJV) But as God has distributed to every man, as the Lord has called every one, so let him walk. And so ordain I in all churches.

15Subalit kung gustong humiwalay ng asawang hindi mananampalataya, hayaan siyang humiwalay. Sa ganitong pangyayari ay wala nang pananagutan ang mananampalatayang asawa, dahil tinawag tayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa.

16Anong malay ninyo, mga babae, baka maligtas pa ang inyong asawa dahil sa inyo? At kayong mga lalaki, anong malay ninyo, baka maligtas pa ang inyong asawa dahil sa inyo?

17Ang bawat isa sa inyo ay dapat mamuhay ayon sa itinakda ng Panginoon sa kanya, at manatili sa kalagayan niya nang tawagin siya ng Diyos. Ito ang iniuutos ko sa lahat ng iglesya.

18Halimbawa, kung may isang lalaking tuli na nang tinawag siya, hindi na niya dapat baguhin ang kanyang kalagayan. At kung hindi pa siya tuli nang tinawag siya, hindi na niya kailangang magpatuli pa.

19Sapagkat hindi mahalaga kung tuli ang isang lalaki o hindi. Ang mahalaga ay ang pagsunod sa mga utos ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.