16Anong malay ninyo, mga babae, baka maligtas pa ang inyong asawa dahil sa inyo? At kayong mga lalaki, anong malay ninyo, baka maligtas pa ang inyong asawa dahil sa inyo?
17Ang bawat isa sa inyo ay dapat mamuhay ayon sa itinakda ng Panginoon sa kanya, at manatili sa kalagayan niya nang tawagin siya ng Diyos. Ito ang iniuutos ko sa lahat ng iglesya.
18Halimbawa, kung may isang lalaking tuli na nang tinawag siya, hindi na niya dapat baguhin ang kanyang kalagayan. At kung hindi pa siya tuli nang tinawag siya, hindi na niya kailangang magpatuli pa.
19Sapagkat hindi mahalaga kung tuli ang isang lalaki o hindi. Ang mahalaga ay ang pagsunod sa mga utos ng Diyos.
20Kaya mamuhay ang bawat isa ayon sa kanyang kalagayan nang tinawag siya ng Diyos.