1 Mga Taga-Corinto 8

Halimbawa, ikaw na tama ang pang-unawa ay kumakain sa templo ng mga diyos-diyosan at nakita ka ng kapatid mong mahina ang konsensiya. Hindi baʼt mahihikayat din siyang kumain ng mga pagkaing inialay sa mga diyos-diyosan?

1 Corinthians 8:10 (UKJV) For if any man see you which have knowledge sit to eat in the idol's temple, shall not the conscience of him which is weak be emboldened to eat those things which are offered to idols;

8Sapagkat ang pagkain ay hindi maglalapit sa atin sa Diyos. Walang mawawala sa atin kung hindi tayo kakain, at wala rin naman tayong mapapala kung kumain tayo.

9Ngunit kahit na malaya kayong kumain ng kahit ano, mag-ingat kayo dahil baka ito ang maging dahilan ng pagkakasala ng mga mahihina ang konsensiya.

10Halimbawa, ikaw na tama ang pang-unawa ay kumakain sa templo ng mga diyos-diyosan at nakita ka ng kapatid mong mahina ang konsensiya. Hindi baʼt mahihikayat din siyang kumain ng mga pagkaing inialay sa mga diyos-diyosan?

11Dahil sa iyong tamang pang-unawa, napapahamak ang iyong kapatid na mahina ang konsensiya. Tandaan mo, alang-alang sa kanya ay namatay si Kristo.

12Kung nagkasala ka sa iba sa ganitong paraan at sinugatan mo ang mahihina nilang konsensiya, nagkasala ka rin kay Kristo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.